Wednesday, January 23, 2013

Tsokolate, mabisang panlaban sa ubo - U.K researchers


MASAKIT na ba ang dibdib mo dahil sa walang tigil mong pag-ubo? May solusyon na d’yan para guminhawa na ang iyong pakiramdam.

[Photos: thefrogblog.org.uk]

Natuklasan ng mga researchers sa U.K na ang tsokolate pala ay may kakayahang magpatigin ng ubo.

Matapos kasing humanap ng 300 na pasyenteng hindi tumitigil sa pag-ubo, nadiskubre ng mga scientists sa hull cough clinic na 60% sa mga pasyenteng ito ay tumigil ang pag-ubo matapos bigyan ng “theobromine”, isang substansyang matatagpuan sa cocoa.

Ang pagsusuring ito ay tumugma rin sa research na isinagawa Ng London’s National Heart at Lung’s Institute na nagpakitang ang theobromine ay mas epektibo kaysa sa “codeine”, isang karaniwang sangkap na matatagpuan naman sa mga cough medicines.

Source : DZXL