Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Wednesday, January 23, 2013

Dating TV-host/Radio personality na si Jose “Pepe” Pimentel – pumanaw na






Hinihinalang pumanaw na ang komedyante at dating radio/TV personality na si Jose “Pepe” Pimentel.


Batay sa inisyal na impormasyon mula sa doktor at kapitbahay ng TV host, natagpuang walang malay si Pepe sa loob ng comfort room ng bahay nito sa Brgy. Laginghanda sa Quezon City.

Tinatayang 30 minuto na umano bago ito nadiskobre na wala ng pulso.

May mga reports na posibleng inatake sa puso ang komedyante kung kaya't nag-collapse ito at nabagok ang ulo.

Si Pepe Pimentel ay sumali at nanalo sa Tawag ng Tanghalan noong dekada 60 at naging host ng kauna-unahang noontime show sa Pilipinas na Student Canteen.

Nakilala rin ang 82-anyos na si Pepe bilang host ng sikat na game show noon na "Family Kuwarta o Kahon."

Source : Bomboradyo