Thursday, December 27, 2012

Rain or Shine Defeat San Mig Coffee, 83-74


Isang panalo na lamang ang kailangan ng Rain or Shine Elasto Painters at pasok na sila sa finals ng Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup.

Ito ay matapos na talunin ng Elasto Painters ang San Mig Coffee Mixers sa Game 4 ng PBA semifinals sa iskor na 83-74.

"It's a big win for us, we now have three chances to make the finals. Our plan is to finish it off on Saturday," ayon kay Rain or Shine head coach Yeng Guiao.

Nanguna sa panalo ng Elasto Painters ay si Gabe Norwood sa ginawa nitong 14 points.

Sa panig ng Mixers, nakapagtala ng 20 puntos si James Yap.

Ang Game 5 sa pagitan ng San Mig at Rain or Shine ay gagawin sa araw ng Sabado. (BOMBORADYO)