Friday, December 14, 2012

Professional Boxer, nagtangkang mag-suicide


CAGAYAN DE ORO CITY - Nanatiling nasa pagamutan ang isang umano'y professional boxer na nagtangkang magbigti sa Brgy. Napaliran sa bayan ng Balingasag, Misamis Oriental.

Kinilala ang biktima na si Arjery Musico,19 at residente sa nasabing bayan.

Ginamit ng biktima sa pagtali ng kaniyang leeg ang lubid na para sana sa kanilang alagang kambing.

Sinasabing ang kabiguan ng biktima sa pag-ibig ang nag-uudyok para gawin ang tangkang pagkamatay.

Napag-alaman na kung hindi pa naabutan ng kaniyang ina ang biktima ay tiyak na babawian na ito ng buhay dahil sa pagpupursige nitong magpakamatay. ( Bomboradyo )