Friday, December 14, 2012

Kobe Bryant and ex-wife Vanessa getting back together?


NEW YORK CITY - Usap-usapan na naman ngayon ang pagiging malapit na uli sa isa't isa ng Los Angeles Lakers star na si Kobe Bryant at nakahiwalayang misis na si Vanessa.


Namataan kasi ang dalawa na magkasamang namamasyal sa paligid ng New York habang magka-angkla at minsan ay naghahalikan pa raw.

Nag-bonding din daw ang mga ito sa isang concert nitong December 12, 2012 (12-12-12) sa Madison Square Garden at sabay pang umuwi.

Kung maaalala, noong nakaraang taon nang mag-file ng divorce si Vanessa hinggil sa irreconcilable differences at umano'y pagtataksil ni Bryant.



Sina Kobe at Vanessa ay ikinasal noong April 2001 ngunit noong 2003 ay kanilang nalampasan ang mabigat na pagsubok sa kanilang pagsasama kung saan nasangkot sa rape case ang basketbolista.

Kamakailan lang din nang maglabasan ang mga pictures ng Lakers star habang nakikipag-party kasama ang ilang kababaihan.

May kuha pa umanong nakahubad ng T-shirt si Kobe dahil nabuhusan ito ng alak. (TMZ) ( Bomboradyo )