Tuesday, December 4, 2012

PAGASA Weather Update - Typhoon Pablo Weakens (December 5, 2012)


The Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) has released its latest weather forecast update, 4 a.m., Wednesday, December 5, 2012, noting that Typhoon Pablo (international name Bopha) continues to weaken as it moves toward Northern Palawan.


At 4:00 am today, the center of Bagyong Pablo was spotted 180 kilometers East of Puerto Princesa City with maximum sustained winds of 130 kilometers per hour and gustiness of up to of 160 kph. It is forecast to move West Northwest at 24 kph.

Tinataya itong nasa 440 km hilagang kanluran ng Puerto Princesa City bukas ng umaga.

Dalawang lugar na lang ngayon ang nasa signal no. 3, ang Northern Palawan at Calamian Grp. of Islands.

Signal no. 2 sa nalalabing bahagi ng Palawan, Antique, Iloilo, Guimaras, Bohol, Siquijor, Southern Cebu, Negros Oriental at Negros Occidental.

Habang signal no. 1 sa Occidental Mindoro, Lubang Island, Oriental Mindoro, Romblon, Aklan, Capiz, nalalabing bahagi ng Cebu, Lanao del Norte, Misamis Occidental, Zamboanga del Norte at Camiguin.

Ayon sa PAGASA, kung magpapatuloy sa kaniyang direksyon, tinatayang lalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) si Pablo Huwebes ng umaga.

Taglay pa rin ni Pablo ang 10 hanggang 18 millimeter per hour (heavy to intense) na pag-ulan na mararanasan sa loob ng 400 km lawak ng bagyo.

Patuloy pa ring ipinagbabawal na bumiyahe ang maliliit na sasakyang pangisda at iba pang sea vessels sa seaboards ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Pinag-iingat naman ang mga nakatira sa mabababa at bulubunduking lugar sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa, gayundin sa storm surge lalo na ang mga residente sa coastal areas na nasa ilalim ng signal no. 2 at 3. (DZMM)