Sunday, December 2, 2012

Mon Tulfo na dismayado dahil sa hindi patas na aksyon


Tahasang sinabi ng kolumnistang si Mon Tulfo na dismayado ito dahil sa tila hindi patas na pag-aksyon ng korte sa kaso nito laban sa mag-asawang Claudine at Raymart Santiago.

Sa isang panayam, sinabi ni Tulfo na mabagal ang takbo ng mga kasong inihain nito laban sa celebrity couple kaugnay ng kanilang sapakan partikular ni Raymart sa NAIA noong Mayo.

Ayon sa kolumnista, mas mabilis pang natugunan ng Quezon City Prosecutor's Office ang kasong grave threat ng mag-asawa laban sa mga kapatid nitong si Ben, Raffy at Erwin Tulfo.

Katunayan ay hindi naman daw dapat nadadamay ang mga kapatid nito sa kanyang kinasasangkutang isyu.

Continue reading at Bomboradyo