Friday, December 28, 2012

Kontrobersiyal na Reproductive Health (RH), Signed Into Law


Deputy presidential spokesperson Abigail Valte in a statement released Saturday, December 29, said “Republic Act No. 10354, or the Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012, has been published online in the Official Gazette, after being signed by President Aquino on December 21, 2012.”

Sisimulan na umanong ipatupad sa Enero 5, 2013 ang Republic Act (RA) 10354 o RH Law.

Sa ilalim ng RH Law, ginagarantiyahan nito ang access sa ligtas, legal, affordable, non-abortifacient, epektibo at de-kalidad na reproductive health care services.

Sinisiguro rin daw ang pagbabahagi ng estado ng impormasyon sa lahat ng uri ng pagpaplano ng pamilya, natural man o modern method.

Una rito, nilinaw pa ng MalacaƱang kahapon ng umaga hindi pa nilalagdaan ng Pangulong Aquino ang RH Bill. Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, wala itong katotohahan dahil may prosesong dinadaanan pa ang panukalang batas. Ayon kay Valte, kabilang dito ang paglalagay ng bar code at validation sa Office of the Executive Secretary (OES).

Pero sa huli ay inamin din ng Palasyo na nilagdaan na pala ito matapos na i-leak ang impormasyon ng ilang mambabatas. (Bomboradyo)