Wednesday, November 7, 2012

Pilipinas, naka-antabay din sa pagupo ng bagong Chinese leader


Umaasa ang gobyerno ng Pilipinas sa mas maganda at matibay na ugnayan sa pagitan ng bansang China sa nakatakdang pag-upo ni bagong Chinese president Xi Jinping.

Ngayong araw ay nakatakdang magpupulong ang 18th National Congress ng Communist Party of China, kung saan pormal na bababa sa puwesto si Chinese leader Hu Jintao para bigyang-daan ang pag-upo ni Xi.

Maalala na una na ring nakipagkita si special envoy at DILG Sec. Mar Roxas kay Xi para pag-usapan ang namamagitang territorial issue sa West Philippine Sea.

Pero sa panig ng MalacaƱang, sinabi ni presidential spokesperson Edwin Lacierda na maliban sa isyu sa West Philippine Sea, marami pang aspeto sa ugnayan ng dalawang bansa na dapat pagtuunan ng pansin at bigyang halaga.

"We hope to improve on all those levels of exchanges: trade, tourism, cultural exchange. And, again, like (what) we have always maintained, the issue on the West Philippine Sea is not the end-all and be-all of our relations with China," ayon sa opisyal. (BomboRadyo)