Sa kauna-unahang pagkakataon, naitala ng Philippine football team Azkals ang pinakamataas na FIFA ranking sa kasaysayan ng Pilipinas.
Sa inilabas na ranking ng FIFA ngayong araw November 7, nasa pang-143rd ang Azkals at 20th ranked sa buong Asya.
Ang pag-angat sa pagkilala ng Philippine football ay dahil na rin sa sunod-sunod na panalo ng national team at kabilang na rito ang pagkakasungkit ng kampeonato sa Philippine Peace Cup.
Kaugnay nito, handang handa na ang Azkals para sa friendly game laban sa Singapore sa Cebu City sa darating na November 15.
Samantala, all set na ang Philippine team para sa AFF Suzuki Cup sa November 24. (BomboRadyo)
FIFA World Rankings, Top 20
1 Spain
2 Germany
3 Argentina
4 Portugal
5 Italy
6 England
7 Netherlands
8 Colombia
9 Russia
10 Croatia
11 Uruguay
12 Greece
13 Brazil
14 Mexico
15 Côte d’Ivoire
16 Switzerland
17 Ecuador
18 France
19 Algeria
20 Belgium
The Philippine Azkals will try to further improve their FIFA rankings as they will start their AFF Suzuki Cup 2012 campaign on November 15.