Monday, November 26, 2012

Philippine Football Team: Azkals Do-or-die game VS Vietnam


BANGKOK, Thailand - Kung gustong makausad sa susunod na round ng Suzuki Cup ang Philippine football team Azkals, kailangan nilang maipanalo ang laban kontra Vietnam mamayang gabi.

Ayon kay Azkals head coach Hans Michael Weiss, nasa tagilid na posisyon sila ngayon kaya't walang aaksayahing panahon para sa nakapaimportanteng laban.

Sinabi pa ni Weiss na pinatawan ng one-game suspension, na ang matatalo sa Azkals versus Vietnam match ay nangangahulugang tapos na ang kampanya sa Suzuki Cup.

“It’s a do-or-die game. Most likely, even a draw today and a win in the last game on Friday might not be enough to secure a semifinal seat so it’s clear the loser tomorrow will go home,” wika ni Weiss.

Maging si Vietnam team manager Ngo Le Bang ay aminadong hindi naging maganda ang tabla na resulta sa laban kontra Myanmar, kaya't gagawin ang lahat para manalo.

Matatandaang 2010 Suzuki Cup ang huling pagharap ng Pilipinas at Vietnam, kung saan isang upset victory ang naitala ng national team. (bomboradyo)

AFF Suzuki Cup 2012 Live Streaming Available in YouTube, Ustream