Thursday, November 1, 2012

'Pacman-Mayweather kalimutan na kung 'di pa rin mangyari sa 2013'


Naniniwala si Hall of Fame trainer Freddie Roach na dapat ituring ng patay ang Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr showdown kung hindi pa rin matutuloy sa susunod na taon.


Sa nakalipas na tatlong taon ay pilit na pinagkakasundo ng magkabilang panig na magharap para sa tinaguriang mega-match of the century pero hindi matuloy tuloy.

Ayon kay Roach, pagod na ang mga fans na pag-usapan ang Pacman-Mayweather, kaya kung hindi pa rin maplantsa ang laban sa 2013 ay tiyak na hindi na ito mangyayari kailanman.

Para naman kay Pacquiao kung hindi man mangyari talaga ang kanilang paghaharap ni Mayweather 'wag na itong isisi pa sa kanya.

Naniniwala ang Pinoy superstar na talagang iniiwasan lamang siya ni Mayweather.

Una nang inihayag ni Manny na hindi siya papayag sa hatian sa premyo na mas mababa sa 45 percent ang para sa kanya. (USA Today)

Source : BomboRadyo