Thursday, November 1, 2012

Bulls, panalo sa season opener kontra Kings, 93-87


Bagama't wala ang kanilang star player na si Derrick Rose, maganda pa rin ang performance na ipinakita ng Chicago Bulls sa laro kontra Sacramento Kings.

Si Joakim Noah ay nagtala ng 23 points , 10 rebounds at career-high na 5 steals para masungkit ang 93-87 victory sa kanilang season opener.

Nag-ambag naman ng 19 points si Richard Hamilton habang 18 puntos at 8 rebounds ang ginawa ni Carlos Boozer.

Source : BomboRadyo