Friday, November 30, 2012

Northern Mindanao at buong Visayas Region, inalerto sa malakas na bagyo


Pagasa inalerto ang Mga Residente sa buong Northern Mindanao at buong Visayas Region sa papalapit na malakas na bagyong Pablo.

Sa pagtaya, inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility ang bagyo sa araw ng Lunes at maaaring tatama sa kalupaan ng Visayas ang sentro nito sa araw ng Miyerkules.

Sa ngayon, taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 95 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong hangin na aabot sa 120 kilometro bawat oras.

Mabilis ang usad ng bagyo sa 20 kilometro bawat oras sa direksyon ng kanluran.

Wala pang epekto ang bagyo sa alinmang panig ng bansa dahil nasa labas pa ito ng Philippine area of responsibility(PAR) na huling namataan sa layong 1,760 kilometro sa silangan ng Southern Mindanao.

Sa ngayon ay maaliwalas ang malaking bahagi ng Pilipinas ngunit magkakaroon ng kunting pag-aambon sa Davao Region at SOCCSKSARGEN dahil sa umiiral na intertropical convergence zone (ITZ).