MAGBIBIGAY ng libreng sakay para sa mga may kapansanan o persons with disabilities (PWDs) ang LRT at MRT sa Lunes, Disyembre 3.
Sinabi ni LRT Authority (LRTA) spokesman Hernando Cabrera, ang libreng sakay ay magsisimula ng alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.
Ang pagbibigay ng libreng sakay ay bilang pakikiisa ng Pilipinas sa International Day of people with disability (PWD).
Bukod sa senior citizens ang PWD ay binigyan ng mga identification card. Makikinabang na ang may kapansanan sa mga diskuwento sa pamimili at sa mga serbisyong medikal.
Ang LRT-1 ang nag-uugnay sa Roosevelt, Quezon City at Baclaran sa ParaƱaque City, habang ang LRT-2 naman ang nag-uugnay sa C.M. Recto sa Manila at Santolan sa Pasig City.
Ang MRT-3 naman ang nag-uugnay sa Taft Avenue, Pasay City at North Avenue, sa Quezon City via Epifanio delos Santos Avenue. (PhilStar)