Friday, November 30, 2012

Laban sa Vietnam motibasyon ng Azkals sa Myanmar match


BANGKOK, Thailand - Magiging motibasyon para sa Philippine football team Azkals ang epic victory kontra 2008 champion Vietnam sa gagawing laban kontra Myanmar.

Ito ang inihayag ni Philippine Football Federation President Nonong Araneta sa naging panayam ng Bombo Radyo.

Ayon kay Araneta, ang makasaysayang panalo sa Vietnam ay nangangahulugang may pag-asa na namang babalik sa semifinals ang national team.

Kasunod nito, humingi ng dasal at panalangin ang PFF president sa taongbayan, na suportahan ang laban ng Azkals.

"Malaking motibasyon nang nanalo tayo sa Vietnam kasi balik na naman tayo sa pagkakataon na magkaroon tayo ng tiysansa sa semifinals. Pero noong nanalo tayo sa Vietnam, parang nag-ignite yung spirit na kaya natin pumasok sa semifinals. Ang hinihingi ko lang ay matinding panalangin para manalo tayo mamaya. God Bless our team," wika ni Araneta.

Continue reading at Bomboradyo