Nasa maayos ng kondisyon sa Tondo Medical Medical Hospital ang babaeng nanganak sa harap mismo ng Manila North Cemetery kagabi.
Kinilala ng Philippine Red Cross (PRC) ang nanay na si Jennylyn Ventura.
Kuwento ng isang staff ng PRC, hiningan sila ng tulong ng pinsan ni Ventura dahil manganganak na ito.
Kaagad itong isinakay sa ambulansiya ngunit hindi na umabot sa ospital dahil sa mismong ambulansiya pa lamang ay nagsilang na si Jennylyn ng isang sanggol na babae.
Ayon sa pamunuan ng Tondo Medical, dahil sa Undas ipinangak ni Jennylyn ang anak, ang nick name umano nito ay "Unday."
Source : BomboRadyo