Thursday, November 1, 2012

22 patay, 135 sugatan sa pagsabog ng fuel tanker sa Saudi Arabia


Umabot sa 22 ang bilang ng mga nasawi habang nasa 135 ang nasugatan sa naganap na pagsabog ng isang fuel tanker sa Saudi Arabia.


Ayon kay Brig. Gen. Mansour al Turki ang tagapagsalita ng Interior Ministry ng Saudi Arabia, sa tindi ng pagsabog maraming mga sasakyan at gusali ang nasira at lumikha pa ng sunog.

Kasabay nito ay kinumpirma ni Philippine ambassador to Saudi Arabia Ezzedine Tago na siyam na mga Pinoy ang nasaktan sa indente.

Ayon sa opisyal nasa pagamutan na ang dalawang Pinoy at wala naman silang natanggap na impormasyon na may nasawing kababayan sa naganap na insidente.


Source : BomboRadyo
Image source: Twitter.com