Saturday, November 24, 2012

Azkals Tinalo ng Thailand, 1-2


Nabigo ang Philippine National Football Team Azkals na mapabagsak ang War Elephants ng Thailand sa katatapos na laban sa Rajamangala Stadium sa Bangkok, Thailand.


Sa pagsisimula pa lang ng laro ay naging agresibo na ang team Thailand, kung saan agad silang nakagawa ng dalawang puntos sa first half, habang naharang naman ang lahat ng pagtatangka ng Pinoy players.

Ang unang goal ng War Elephants ay nagawa ni Jakkraphan Pornsia, habang ang ikalawa ay naiambag naman ni Anucha Kitpongsri.

Marami ang nakapuna sa pisikal na laro kaya maging si Azkals coach Hans Michael Weiss ay naibato ang bola sa isa sa mga players ng Thailand.

Dahil dito, pinalayo si Weiss ng referee at binigyan ng babala.

Isa sa nakapahina sa Azkals ay ang pagkasugat ni Phil Younghusband dahil sa pagsalpok sa katunggaling Thai habang pinag-aagawan ang football.

Sa kabila nito sinikap pa rin ni Paul Mulders ng Philippine team na makahabol sa pamamagitan ng kaniyang goal at dito ay naitala ang score na 2-1.

Pero hindi na ito nasundan hanggang sa pagtatapos ng kabuuang laro at nagwagi ang War Elephants. (bomboradyo)

Thailand vs Philippines: AFF Suzuki Cup 2012 (Highlights)