Tuesday, October 30, 2012

P2-M na reward vs 'big 5 fugitives' - DoJ


Lalo pa ngayong pinaigting ng mga otoridad ang paghahanap sa mga tinaguriang “big 5 fugitives” na nagtatago hanggang ngayon sa batas.

Kaugnay nito, ikakalat sa mga pangunahing lugar sa iba't-ibang panig ng bansa ang larawan ng mga ito para na rin sa agarang pagkahuli ng mga ito.

Sa isinagawang meeting ng Department of Justice (DoJ) kasama ang NBI at PNP, sinabi ni Justice Sec. Leila de Lima na uniform na umano ang patong sa ulo ng big 5 fugitives na nasa P2 milion sa bawat isa.

Napag-alaman na kabilang sa mga malalaking wanted na personalidad sa batas na tinututukan ngayon ng mga otoridad ay sina Jovito Palparan, Ruben Ecleo, Delfin Lee, dating Palawan Gov. Joel Reyes at dating Coron Mayor Mario Reyes.

Kaugnay nito, pinag-aaralan pa ng DoJ kung itataas pa ang reward money laban sa nasabing bigtime fugitives.

Source : BomboRadyo