Para mabawasan na ang patayan sa ilang videoke bars, nais ngayong ipatanggal ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Dir. Leonardo Espina ang tatlong patok na kanta.
Ang nasabing popular na kanta na karaniwang inaawit sa mga kasiyahan ay ang "My Way" ni Frank Sinatra; "My Love Will See You Through" ni Marco Sison at "Green, Green Grass of Home" ni Tom Jones.
Ayon kay Espina, sa tatlong nabanggit na kanta, ang "My Way" ang tinaguriang "killer song" dahil sa krimeng nililikha nito sa ilang mga kasiyahan.
Pero sa kabila nito, aminado ang opisyal na mahirap ang gusto niyang mangyari dahil ito ang paboritong kantahin ng mga Pinoy sa videoke.
Source : Bomboradyo