Tuesday, October 30, 2012

Pacquiao, sasalang sa 6 rounds ng sparring vs 2 sparmates


HOLLYWOOD - Kung magtutuloy-tuloy umano ang magandang ipinapakita ni 8-division world champion Manny Pacquiao sa kaniyang training, tiyak na ang kanilang panalo sa laban kay Juan Manuel Marquez.

Ayon kay chief trainer Freddie Roach, malayo pa ang lalakbayin ng kanilang ensayo at natutuwa siyang maganda ang kinalabasan ng pagpapakondisyon ni Pacquiao sa General Santos.

Ngayong araw sasabak na sa sparring session si Pacman kasama ang longtime sparmate na si Ray Beltran at Russian Ruslan Provodnikov.

Kabuuang anim na rounds ng sparring ang nakatakdang gawin ng Pinoy boxing champion.

Ang Pacquiao-Marquez Part IV ay gagawin sa December 9 sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Nevada.

Source BomboRadyo