Monday, November 12, 2012

Babae patay pagkatapos tumalon sa building sa Ortigas, Pasig City


Isang babae ang nakitang patay sa tabi ng condominium building na nasa Garnet Road Street, Ortigas City ngayung umaga, 9:25am, November 13, 2012, nagkalasog lasog ang katawan pagkatapos tumalon galing sa rooftop ng Prestige Tower building na merong kabubuang 27-floors.

[ Photo by Ivan Gaddia ]

According sa initial report narinig ni Jason Magsino, pasado alas 9:00 kaninang umaga na may bigla na lang kumalabog na malakas sa kanyang tabi at laking gulat niya nang makita Nagkalat na ang mga bahagi ng katawan sa area at wala ng ulo.

Kuwento ng isang barangay official Melvin Villaruz said, "Ang nangyari ayon sa administration ng building, kinausap nila pero tumalon na daw. Nakausap daw ng OIC ng gwardya nila, pinipigil nila at nagsisisigaw na. Ang sabi wag daw silang lumapit tapos tumalon na."


Kinilala ang biktima na si Josephine Maranan, 45 anyos na isang distributor ng RBA parts.