by Tina Mendoza, abante-tonite.com
Mariing itinanggi ng kampo ni Hubert Webb na may P50 milyong lobby money para pumabor sa kanila ang desisyon sa Vizconde massacre case kasabay ng panawagan sa Supreme Court (SC) na dapat patawan nito ng parusa si Lauro Vizconde dahil sa mga mapanira nitong akusasyon na nakasisira sa imahe ng Kataas-taasang Hukuman.
Ayon kay Atty. Demetrio Custodio, ang pagkakapanalo ng kanilang kliyente ay dahil sa merito ng kaso at ginawa ng kanilang law firm ang lahat para masiguro ang acquittal ni Webb na sa simula umano ay batid na nilang walang sala.