Sunday, February 27, 2011

"IUWI N'YO NA LANG ANG BANGKAY N'YA!"


By Aries Cano, Abante Online
new zealand quake“Iuwi n’yo na lang ang bangkay ng anak ko!” Ito ang apela ng isang ama na halos mawalan na ng pag-asang makita pa nang buhay ang kanyang anak na kasama sa talaan ng mga Filipino nurses na-trap sa gumuhong Canterbury Television (CTV) building sa Christchurch, New Zealand na ibinagsak ng malakas na lindol.

Ayon kay Emmanuel Anova sa isang radio interview, isang provincial guard sa Cebu City, umaasa pa siyang buhay ang kanyang anak na si Emmabel, ngunit kung kasama ito sa mga nasawi sa lindol, “iuwi na lamang ang bangkay sa amin.”
more