Friday, February 25, 2011

ITULOY ANG DIWA NG EDSA - PNOY


Nina Rudy Andal at Mer Layson (Pilipino Star Ngayon)
Nanawagan si Pa­ngulong Noynoy Aquino sa taumbayan na ituloy ang diwa ng EDSA People Power revolution tungo sa pagkakaisa subalit binatikos naman nito ang Marcos at Arroyo administrations.

“Naniniwala tayo na sa halip na magkawatak-watak maari tayong magkaisa. Sa halip na magnakaw, maari tayong maging tapat sa katungkulan. At sa halip na matakot maari tayong magtiwala sa pamahalaan,” wika ng Pangulo sa kanyang mensahe sa ika-25 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa ginanap na flag-raising cere­mony sa People Po­wer monument.
more