Sunday, February 27, 2011

DE LIMA, MRS. MANCAO MAGHAHARAP


Ni Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon)
de limaNakatakdang magha­rap sina Justice Secretary Leila de Lima at ang misis ni dating P/Supt. Cezar Man­cao na ngayo’y state witness sa Dacer-Corbito double murder case upang tuldukan ang love affair issue sa mister ng huli at sa kalihim.

Sa Balitaan sa Tinapayan sa Sampaloc, sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio, abugado ni Mancao, hindi lamang umano natuloy noong nakalipas na linggo ang pagkikita ni de Lima at misis ni Mancao na si “Maricar” o Dr. Ma. Carmen Mancao dahil kumplikado ang panahon ni de Lima.
more