KALIBO, AKLAN - Aabot sa $420,000 o mahigit sa P17 million ang umano'y nakuha sa isang turistang Korean national habang naka-check-in sa isang hotel sa Station 2 Barangay Balabag sa isla ng Boracay.
Personal na dumulog sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang biktimang si Chi Youn Cho, 34-anyos, residente ng Seoul, South Korea at pansamantalang nanunuluyan sa isang hotel sa isla.
Bagay na maging ang mga pulis sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ay ipinagtaka ang mistula kaduda-dudang sumbong ng Koreano.
Samantala, nabatid na lumabas si Cho kagabi kasama ang kanyang kaibigan upang maghapunan subali’t bukas na umano ang safety box, kung saan napaloob ang pera nang kanilang madatnan.
Continue reading at Bomboradyo