Tuesday, July 12, 2011

1 PANG RELIGIOUS GROUP SINISILIP SA PCSO FUND SCAM


by abante.com.ph

Ibinunyag kahapon ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na may isa pang religious group na posibleng nakinabang o tumanggap ng illegal na donasyon mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa ambush interview sa Aklan, sinabi ni Aquino na sinisilip ngayon ng pamahalaan ang isang pang religious group na posibleng katulad din ng ilang obispo ng Simbahang Katoliko na tumanggap ng illegal na donasyon mula sa PCSO.

Aniya, duda umano sila sa ginamit na pondo sa ipinatayong complex ng tinutukoy nitong religious group pero hindi na ito kinilala ng Punong Ehekutibo.


“‘Yung issue of separation of Church and state also impinges on another religious, Churches, papaano ba ito? Government funds were used in the construction of this complex that belongs to another religious order which we are also studying and trying to determine whether or not there were violations. Not the Catholic Church. That’s what I want to emphasize,” ani Aquino.


Kaugnay sa mga tinaguriang 7 ‘Pajero’ bishops, sinabi ni Pangulong Aquino na kahit nag-sorry na ang Catholic Bishops Confe rence of the Philippines (CBCP), desidido pa rin ito na idetermina kung may ginawang paglabag ang mga sangkot na obispo sa Konstitusyon partikular sa aspeto ng separation of powers ng Simbahan at estado.