Mula 85 insidente noong Disyembre 30, umakyat na sa 132 ang firework-related incidents na naitala ng PNP matapos ang pagsalubong sa Bagong Taon.
Ito ay batay sa PNP update hanggang kaninang alas-7:00 ng umaga na inihayag ni Public Information Office Chief Reuben Theodore Sindac sa panayam ng DZMM.
Ibig sabihin, mayroong 47 na nadagdag na insidente na na-monitor ang PNP sa nakalipas na magdamag.
Dahil dito, ikinukonsidera ng PNP na pinaka-delikadong araw o "peak" ng mga insidente nitong holidays ang Disyembre 31.
Sa mga na-monitor na insidente, mayroong 94 nasugatan sa paputok at 13 sa ligaw na bala. Pero ito ay batay sa naireport lamang sa pulis, paglilinaw ni Sindac.
Continue Reading at dzmm.abs-cbnnews.com