CEBU CITY - Aabot ng halos 3,000 mga evacuees pa mula sa probinsya ng Leyte ang dumating sa lungsod ng Cebu.
Sinasabing ito na ang pinakamalaking grupo ng evacuees na dumating sa Cebu matapos humagupit ang super typhoon Yolanda noong nakaraang linggo kung saan maraming probinsya ng Pilipinas ang sinalanta.
Ang mga nagsilikas ay sakay ng Philippine Navy na Dagupan 551 vessel na mula sa Tacloban City port at dagdag pa rito ang mga sakay ng C-130 plane na dumarating sa Mactan Benito Ebuen Airbase.
Sinasabing ang kakulangan ng pagkain, walang lugar na pagtatrabahuan at takot para sa kanilang kaligtasan ay iilan lang sa kanilang mga rason upang iwan na ang kanilang lupang sinilangan.
Continue Reading at BomboRadyo