sa Isang construction Site may mga karpentero (Malamang construction site nga eh)
habang nag tratrabaho ang mga karpentero, biglang tumunog ang BELL.
klang, klang, klang, klang! at may sumigaw..
"OH BREAK MUNA"
tumigil sa pagtratrabaho ang mga karpentero at nag break time muna,
3 sa karpentero ang nag kumpulan sa isang silid, si Juan, si Paul at si George..
Juan - tara mga tol, mag tanghalian muna tayo..
Paul - cge bro tara
George - ano ba ulam mo Juan?
Juan - hay nako, pustahan tayo, Tuyo na nman ito.. at binuksan ang kanyang Lunch Box.. napa sigaw si Juan..
"TUYOOOOOOO NANAMAAAN!!!!"
walanjong yan, pag bukas TUYO na nman ang baon ko, pangako tatalon ako sa building na ito..
George - grabe ka nman, kaw bro Paul, ano ulam mo..
Paul - wala panigurado ganun din kahapon.. binuksan ang kanyang lunch box. napasigaw si Paul..
"GALUNGGGOOOOONGG NANAMAN!!!!"
ako rin, badtrip! kapag bukas, Galunggong na nman ang baon ko, tatalon din ako sa building natoh!!
bkt ikaw George ano ba baon mo??
George - binuksan ang baunan.. at napasigaw..
"TALBOOOOS NANAMAAAN!!!"
batrip, walanjo.. bukas tatalon nadin ako pag talbos ulit baon ko!!
------
Kinabukasan!!
Break time ulit.
nag sama sama ulit sina Paul, Juan at George..
Oh eto na, Moment of Truth!! Sabay sabay silang nag bukasan ng mga baunan nila..
at sa kasamaang palad, ganun padin ang mga baon nilang ulam. So sabay sabay nag talunan ang mga mokong sa building.. at pare parehas silang namatay..
---------
Nung araw ng libing, nag iiyakan ang mga asawa nina Paul, Juan at George,
Sabi ng Asawa ni Juan: Huhuhuuhuh, kung sinabi lng sana ni Juan my loves, na sawa na sya sa tuyo, edi sana pinag luto ko sya ng iba huhuuhu
Sabi ng asawa ni Paul: Oo nga huhuuhuhuh, si Paul ko din, di nman nag sasabi na sawa na sa galunggong eh dati nman favorite nya yun.. bkt ba nila nagawa ito saatin..
Napansin nila ang asawa ni George: Oh misis, bkt hndi ka umiiyak, hndi kba nalulungkot sa pagkamatay ng asawa mong si george??
Sabi ng asawa ni george: nag tataka lng ako kng bkt nag pakmatay si George.. impossible nmang dahil sa baon nya, kasi sya nman ang nag preprepare at nag luluto ng sarili nyang baon....
At doon nag tatapos ang kwento ng Tuyo..
------
Dalawa ang pwede nating matutunan sa Kwentong ito..
1. Sa buhay natin, tayo din mismo ang gumagawa ng sarili nating kapalaran, kng ano ang kalagayan natin sa buhay, eh yun ay ang resulta ng kung ano ang nangyayari sa mga buhay natin.. Minsan hndi natin naisip na nsa atin din ang kakayahan ng pag babago..
sa halip, nag hahanap nlang tayo ng ibang masisisi, kung bakit paulit ulit nlang ang nangyayari sa buhay natin..
2. Si George, wala nmang problema.. naki uso lng sya, kasi un ang mindset ng mga kaibigan nya, sabi nga nila Success Depends on your environment, so kung ang environment mo eh puro mga taong reklamador, puro mga Reklamo sa hirap ng buhay ang araw araw na lumalabas sa mga bibig..
Eh malamang, hindi mo mamalayan.. Napa sama ka na pala sa pag bagsak nila..
Yun lang. Sana may natutunan kayo..