Darating sa bansa ngayong araw ang panibagong batch ng overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Saudi Arabia kaugnay pa rin ng patuloy na crackdown laban sa illegal workers ng nasabing bansa.
Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Raul Hernandez na aabot sa 1,500 ang naghihintay ng clearance sa Saudi para tuluyang makauwi sa Pilipinas.
Kabilang ang bilang na ito ay aabot na aniya sa 4,200 ang napapauwing OFWs simula nang ipatupad ang Saudization ng naturang bansa.
Karamihan sa mga napauwing undocumented OFWs ay mula sa Riyadh at sa silangang bahagi ng rehiyon at sa Jeddha.
“Hopefully, 1,500 ang mapauwi natin na naghihintay ngayon ng Immigration clearance sa Saudi.
‘Yung ating challenge, ‘yung process ng repatriation ay naantala dahil marami masyadong expatriates du’n na talagang gustong makauwi at ma-regularize ang kanilang mga papeles,” paliwanag pa nito.