Anim ang patay sa halos dalawang oras na sunog sa Aguilar Street, Barangay Bungad, Project 7, Quezon City.
Kinilala ni Quezon City Fire Marshall Supt. Samuel Tadeo ang mga biktima na sina Korina Filamor, 55-years old, mga anak na sina Ella, EJ at Andre at dalawang hindi pa nakikilala.
Nagsimula ang sunog bandang 5:27 ng madaling araw at idineklarang fireout dakong 6:57 nang umaga na tumupok sa 16-door apartment.
Tinatayang aabot sa P7 milyon ang halaga ng pinsala sa sunog na umabot sa Task Force Charlie.
Posibleng faulty electrical wirings ang sanhi ng sunog.
Report from Noel Alamar, Radyo Patrol 38 (DZMM)