Umaabot sa halos 10,000 indibidwal mula sa Brgy. St. Joseph, San Juan City ang nawalan ng tirahan sa sunog alas 2:00 ng madaling araw.
Ito'y matapos matupok sa malaking sunog kanina ang naturang mga bahay.
Ayon kay San Juan City Mayor Guia Gomez, bandang alas-2:00 ng madaling araw nagsimula ang sunog at mabilis ang naging pagkalat ng apoy dahil gawa sa kahoy ang karamihan sa mga bahay na naapektuhan.
Sa ngayon ay nasa general alarm na ang sunog o nangangahulugan ng mas malaking pangangailangan sa dagdag na pwersa ng mga tagapamatay ng sunog.
Tiniyak naman ng alkalde ng lungsod na pagkakalooban ng matutuluyan ang mga residente lalo na ang mga bata at nakatatanda.
Sa ngayon ay naghahanda na ng mga tent ang lokal na pamahalaan para matuluyan ng mga nasunugan. (Bomboradyo)