Pumayag na si D'Antoni sa "three-year deal" bilang Bagong Head Coach ng Los Angeles Lakers matapos tangalin si Mike Brown dahil sa mga sunod-sunod na pagkatalo.
Iniulat nina Ramona Shelburne at Mike Stein ng ESPN, ang kontrata kay D'Antonio ay para sa "four-year deal."
Pero lumabas naman sa Los Angeles Times na pumayag si D'Antoni sa "three-year deal."
Bago ito ay lumutang ang balita mula sa NBA writer na si Marc J. Spears na nahiwatigan daw sa malalapit kay Jackson na posibleng hawakan na nito ang LA sa laro kontra sa Phoenix Suns makalipas ang dalawang practice muna sa team.

Nanggaling na rin sa may-ari na si Jim Buss at general manager na si Mitch Kupchak na kinausap nila si Jackson.
Kung maaalala huling hinawakan ni D'Antoni ang New York Knicks at nag-resign noong March 14, 2012 matapos ang nakakadismayang record ng team ng 18-24 sa pagsisimula ng season.
Pero noong 2010-11 NBA season ay umani ng pananagumpay ang Knicks at umabot pa sa playoffs bago inilampaso ng Boston Celtics sa first round ng playoffs.
Bago naging coach ng Lakers si D'Antoni, hinawakan nito ang Suns kung saan dalawang beses silang umabot sa conference finals at noong nakaraang Marso nagbitiw bilang head coach ng New York Knicks.
Source : Bomboradyo