Monday, October 3, 2011
Iba pang Gamit ng Asukal sa Bahay
Ang asukal ay hindi lamang ginagamit sa pagkain.Ang mga sumusunod ay mga paraan kung paano pa magagamit ang asukal sa bahay.
Ang asukal ay may kakayahang makapagpaputi ng tinatawag na “skin discoloration”. Upang pumuti ang mga ito, maglagay ng 1/2 tsp ng asukal sa isang tasang puno ng lemon juice. Ipahid ito sa likod ng kamay o sa mukha. Iwanan ito ng ilang minuto at banlawan. Ang kombinasyon ng maaligasgas na asukal at ang natural na “bleaching agent” ng mga citrus na prutas ay unti-unting makakapagpawala ng mga “dark spots” na makakapagpanumbalik ng “youthful glow” ng iyong balat.
Nakakatulong ang asukal makapaglinis ng tagyawat magdamag. Kung ikaw ay may tagyawat, ihalo ang 1 tsp ng asukal at ilang patak ng tubig sa isang platito upang makagawa ng paste. Ilagay ang paste upang matakpan ang buong tagyawat. Iwanan ito magdamag. Ang “sucrose” sa asukal ay nakakapagpigil ng pagdami ng bacteria upang mabawasan ang pamumula ng tagyawat.
Ang asukal ay nagbibigay ginhawa sa masakit na paso sa dila. Kung ikaw ay napaso sa pag-inom ng mainit o pagkain ng mainit, maglagay ng asukal sa iyong dila. Ang pagkatunaw ng ng asukal ay magreresulta sa pagre-release ng utak ng “endorphins” o mga “feel-good” hormones na makakapagpagaan ng pakiramdam.
Pumatay ng ipis gamit ang asukal. Ihalo ang magkasindaming asukal at baking powder. Ang asukal ang makakapag-attract ng ipis at baking powder naman ang nakakamatay ng ipis.
medianet_width='600'; medianet_height= '250'; medianet_crid='876816589';