Kinalampag ni administration Sen. Ralph Recto ang Malacañang na kumilos na upang resolbahin ng maaga ang problema sa patuloy na pagdami ng mga nagkakasakit ng dengue sa bansa kung saan marami na rin ang mga nasawi.
Ayon kay Recto, kung prayoridad ng administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino ang pamimigay ng condom sa pamamagitan ng pagsulong ng Reproductive Health (RH) Bill ay dapat munang pagtuunan nito ng pansin ang proteksyon sa buhay ng mga bata na kadalasang nabibiktima ng nakamamatay na sakit.
“Are we going to prioritize the giving out of condoms or should we look for the dengue antidote fast? Sometimes, the fate of a nation does not lie on a piece of legislation but on how its leaders set their priorities,” ayon kay Recto.
Naunawaan umano ng senador ang kahalagahan ng RH Bill kung saan nabibigyan ng proteksyon ang mga kababaihan lalo na ang mga ina ngunit dapat din aniyang tiyakin ang kaligtasan ng mga batang ipinanganak laban sa sakit.
“The RH bill, when passed, may provide cover to all women especially the mothers but we may lose the battle to save our children from dengue-inducing mosquito bites if this health issue is not addressed very soon.” diin pa ng senador.
Nabatid na sa datos na inilabas ng Department of Health (DoH), mahigit na sa 45,000 ang bilang ng mga nagkakasakit ng dengue sa bansa ngayong taon.
Source: Bombo Radyo