QUEZON CITY, Philippines — Kukuwestyunin sa Court of Appeals ni Local Water Utilities Administration Chairman Prospero Pichay ang inilabas na dismissal order ng Office of the Ombudsman laban sa kanya.
Ayon kay Pichay, posibleng ginagawa lamang ito ni Acting Ombudsman Orlando Casimiro dahil pinupuntirya nito ang posisyon ng Ombudsman.
Tinawag rin ni Pichay na "Overacting Ombudsman" si Casimiro dahil lahat umano ng malalapit sa dating Pangulong Gloria Arroyo ay pinakakasuhan nito.
Magugunitang kahapon ay kinumpirma ng MalacaƱan naipadala na ni Department of Health Enrique Ona sa Officer -In-Charge ng Local Water Utilities Administration o LWUA ang dissmissal order nito na iniutos ng MalacaƱan bilang pagsunod naman sa kautusan Ombudsman.
Ang kaso ni Pichay ay kaugnay sa sinasabing iligal na pagbili ng LWUA sa Express Savings Bank na nagkakahalaga ng P780 million. (Ito Ang Balita ni Robie Rose Demelletes, UNTV News)