Ayaw ng liderato sa Kamara sa isinusulong na Congressional probe hinggil sa ibinulgar na dayaan ni suspended ARMM governor Zaldy Ampatuan at dating Maguindanao elections supervisor Lintang Bedol noong 2004 at 2007 elections.
Sinabi ni House Speaker Feliciano Belmonte, may iba pa namang ahensiya ng gobyerno na mas akmang imbestigahan ang umano’y pananabotahe noong mga nakaraang eleksyon tulad ng Comelec at Department of Justice. Anya, kapag nakialam pa ang Kamara sa pagsisiyasat sa mga ibinulgar nina Ampatuan at Bedol, posibleng masakripisyo naman ang iba pang mahahalagang trabaho ng mga kongresista.
Sabi ni Belmonte, sa kasalukuyan ay puro alegas yon pa lamang ang lumalabas sa media subalit ibang usapin na umano kung mayroon ng complaint affidavit na siyang magiging basehan upang maisulong ang kaso laban sa mga inaakusahan.
(source: Pilipino Star Ngayon)