Wednesday, July 6, 2011

Ekonomiya Palalakasin pa ng Aquino gov’t



Patuloy na palalakasin ng pamahalaang Aquino ang ekonomiya ng bansa upang mas dumami ang trabaho at mabawasan ang mga nagugutom na Pilipino.

Ito ang sinabi ni Finance Secretary Cesar Purisima sa isinagawang economic cluster forum sa NBN 4 sa Quezon City na inisponsor ng Pilipinas Natin para sa higit pang pagsigla ng ekonomiya ng bansa, pamumuhunan at maipatupad ang Philippine Development Plan 2011- 2016 bilang paghahanda sa gagawing State of the Nation Address ni Pangulong Aquino sa Kongreso sa Hulyo 25.

Sinabi ni Purisima na sa pamamagitan ng pag-aayos ng haligi ng gobyerno, pinag huhusay ng pamahalaan ang pagkolekta ng buwis para mapabuti ang pagkakaloob ng social services sa taumbayan, paghahabol sa mga smugglers at tax evaders.

Higit din anyang pinahuhusay ng pamahalaan ang infrastructure programs ng gobyerno para sa maayos na patubig, elektrisidad, pagpapabilis ng proseso sa mga negosyo sa pamamagitan ng paggamit ng computerization at pagpapalakas sa mga programang pangkalusugan at iba pa.

Kaugnay nito, sinabi din ni Purisima na upang higit na mapasigla ang ekonomiya ng bansa, babantayan ng gobyerno ang service professional sector dahil sa ang P160 bilyon nakolektang buwis noong nakaraang taon, ang malaking pondo nito na P153 bilyon ay mula sa mga empleyado at P7 bilyon lamang ang nakokolekta sa mga tunay na mayayaman.

(source: Pilipino Star Ngayon)