Wednesday, July 6, 2011

35,000 PhilHealth Cards Naipamahagi ni Recom



Mahigit sa 35,000 Phil Health cards ang naipamahagi na ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri simula nang manungkulan itong alkalde noong 2004 upang matiyak na matutugunan ang kalusugan ng mga re sidente sa lungsod.

Ayon kay Echiverri, nang manungkulan itong alkalde ng naturang lungsod noong 2004 ay isa sa pinag-ukulan nito ng pansin ay ang kalusugan kaya’t hindi tumitigil ang administrasyon nito sa pagbibigay ng maayos na serbisyo publiko.

Bukod sa mga PhilHealth cards ay patuloy din ang pagbibigay ni Echiverri ng medical at dental mission sa bawat sulok ng lungsod upang mabigyan ng libreng gamot at check-up ang mga residente.
Patuloy ding umiikot sa buong lungsod ang dalawang units ng high-tech Mobile Clinics na nagbibigay naman ng serbisyong medical sa mga residenteng nahihirapang makapunta sa mga pagamutan.

Napataas na rin ng alkalde ang kalidad ng Caloocan City General Hospital kung saan ay patuloy ang pagdaragdag ng mga ma kabagong kagamitan sa loob nito kaya’t maituturing na itong isang modernong ospital.

(source: Pilipino Star Ngayon)