Sunday, May 29, 2011

US ‘DI PAPAYAG NA MASOLO NG CHINA ANG SPRATLYS


By Dindo Matining, Abante Tonite

Naniniwala si Sen. Mi riam Defensor-Santiago na hindi papayag ang Estados Unidos at mga mayayamang bansa sa Europa na makuha ng China ang kontrol sa pinag-aagawang Spratly Islands.

Ito ang sinabi kahapon ni Santiago kaya hindi umano dapat bumigay ang Pilipinas at patuloy pa ring tutukan ang paghahain ng diplomatic protest laban sa China kasunod ng pagpasok ng jet fighters nito sa teritoryo ng bansa malapit sa Spratly Islands. [FULL STORY]