Monday, May 30, 2011

10 PINOY NATOTODAS KADA ORAS DAHIL SA SIGARILYO


by Jan Sino Cru, Remate Online

SAMPUNG Pinoy ang namamatay kada oras sanhi ng paninigarilyo maliban pa sa pabata nang pabata ang naaadik sa nasabing bisyo. Ito ang inihayag ng Philippine College of Chest Physician base na rin sa mga datus na kanilang nalikom.

Ayon kay Dra. Maricar Limpin, pangulo ng PCCP at Executive Director ng Framework Convention on Tobacco Control Alliance of the Philippines, umabot na sa 18 milyong Pilipino ang naninigarilyo, mula edad 16 pataas base na rin sa datus noong 2010. [ FULL STORY ]