Monday, March 21, 2011

100 PINOY SA TRIPOLI INILIKAS: KUTA NI GADHAFI BINOMBA NA!


By Ellen Fernando (Pilipino Star Ngayon)
libyaPinuntirya na ng US-UK led coalition forces na bombahin ang compound ni Libyan President Moammar Gadhafi upang tuluyang pabagsakin ang puwersa nito sa ikalawang bugso ng airstrikes sa Libya kaya puwersahan nang ililikas ang mga natitirang Pinoy doon.

Base sa ulat, tuluyan nang winasak ang mga pasilidad sa military command headquarters at control center ni Gadhafi sa Tripoli na isa sa mga malakas nitong puwersa matapos na paulanan ito ng Tomahawk cruise missiles ng US military “Operation Odyssey Dawn”  kahapon ng madaling-araw.
more