by Rose Miranda, abatan-tonite.com.ph
Kinumpirma kahapon ng MalacaƱang na si dating Senador Mar Roxas nga ang napili ni Pangulong Benigno Aquino III na maging emisaryo ng bansa sa Taiwan upang mahilot ang nasabing bansa hinggil sa matinding pagkadismaya nito sa ginawang deportasyon ng Pilipinas sa 14 Taiwanese nationals sa China kamakailan.
Sa text message, sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na “personal emissary” ni Pangulong Aquino si Roxas sa Taiwan ngunit ang pagbibiyahe umano ng dating senador ay sa private capacity nito at hindi bilang presidente ng Liberal Party.