Ni Ellen Fernando (Pilipino Star Ngayon)
Humihingi na ng saklolo ang may 1,700 Pinoy na nasa construction site sa Benghazi, Libya na naiipit ngayon sa madugong engkuwentro ng mga Libyan protesters at government security troops.
Sa tinanggap na tawag ng Migrante Middle East mula sa mga na-trap na OFWs, hiniling nila na agad silang ilikas matapos ang umiinit na sagupaan. Naubusan na rin sila ng makakain matapos na hindi makalabas sa construction site. Ang naturang OFWs ay pawang nagtatrabaho sa isang airport na under construction sa Benghazi.