By Boyet Jadulco, Abante Online Namimiligrong magdiwang ng Valentine’s Day sa kulungan ng Senado si retired Gen. Angelo Reyes dahil sa pagiging ulyanin nito sa kinurakot nilang pondo ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Ikinasa na nina Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada, Sens. Miriam Defensor-Santiago, Francis ‘Chiz’ Escudero at Antonio Trillanes IV ang isang mosyon para patawan ng contempt si dating Defense Sec. Reyes. |