By Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) Sa kabila ng pagtanggi ng Pilipinas na humingi ng tawad sa gobyerno ng Taiwan kaugnay sa isyu ng deportasyon ng mga Taiwanese nationals sa China, tiniyak naman kahapon ni Presidential spokespersom Abigail Valte na magpapadala ang gobyerno ng isang emisaryo sa Taiwan upang ipaliwang kung ano talaga ang nangyari. Bagaman at hindi pa tiyak ni Valte kung sino ang ipapadala ng gobyerno sa Taiwan, inihayag din nito na umaasa ang MalacaƱang na hindi maaapektuhan ng problema ang mga overseas Filipino workers sa nasabing bansa. |