By Bernard Taguinod, Abante Tonite Hindi na hinaharang ng MalacaƱang ang mga taong gustong magsalita sa mga katiwalian sa nakaraang administrasyon kaya’t hindi umano dapat maging kampante si dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo. Ito ang babala ni Akbayan partylist Rep. Arlene ‘Kaka’ Bag-ao dahil libreng-libre na umanong magsalita ngayon ang mga taong may nalalaman ukol sa katiwalian sa administrasyon ni Arroyo. |